Mabuhay, Josenians!
Pagbati ng masaya at ligtas na araw sa lahat, gayundin, makabuluhan at mapagpalayang Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan sa ating mga Pilipino.

Minamahal kong mga Josenian, kakaiba ang pagdiriwang at paggunita natin sa Buwan ng Wikang Pambansa at Kasaysayan ngayong panuruang taong ito sapagkat nasa gitna tayo ng isang pandemya. Gayun pa man, minabuti at sinikap namin, kasama ang inyong mga masisipag na guro na mairaos ang gawaing ito bilang bahagi nang pagsariwa sa esensya ng ating pagka-Pilipino at alinsunod na rin sa mga itinatadhana ng mga batas hinggil sa pagdiriwang nating ito tuwing buwan ng Agosto.

Paksa ng ating mga palatuntunan ang WIKA NG KASAYSAYAN, KASAYSAYAN NG WIKA, PAGKAKAISAYSAYAN, SANDIGAN KONTRA PANDEMYA upang bigyang diin ang PAGBABAYANIHAN gamit ang isang wika, ang wikang Filipino at ang mga pinagdaananan na natin, ang ating kasaysayan, bilang pinakamatibay na panangga kontra sa krisis na ating pagtatagumpay sa mga susunod na araw.

Marami ng pinatunayan ang PAGBABAYANIHAN, gayundin ang papel ng wika na siyang tumatak sa ating kasaysayan kung paanong nakamit natin ang minimithing tagumpay.
Hangad rin nating mabigyan ng pagpupugay ang mga makabagong bayani sa ating panahon na siyang nangunguna sa pagharap sa labang ito.

Mga minamahal kong Josenian, gawin nating ilaw ang wika upang hindi maulit ang mga dilim sa kasaysayan na pinilit nating malagpasan na syang nakikita at nasasalamin natin sa maraming kaganapan ito sa ating bansa.
Magiging bahagi na lamang ng kasaysayan ang mga tagpong ito sapagkat naniniwala tayong sa awa at biyaya ng Panginoon, at patnubay ng ating patrong San Jose, malalagpasan natin ang tagpong ito sa buhay nating mga Pilipino.

Huwag nating supilin ang pag-iral ng wika at kasaysayan at ang pamamayagpag nito bilang isang salik na kailanman ay hindi tayo binigo. Payamanin pa natin ito sa iba’t ibang kaparaan na mayroon tayo upang patuloy na umunlad hindi lamang ang wika at kasaysayan kundi maging tayo mismong mga Pilipino.
Sama-sama tayo sa labang ito! Sama-sama rin tayong magtatagumpay!

 

Padayon, Josenians!
Mabuhay, San Jose!

 

https://drive.google.com/drive/folders/1rkNi7_a6twmzH9aWAQlz7T9ffNug-2om?fbclid=IwAR2LdcOEotBk001prlOJyTaoHLEtgKqgEdUdzVFk1AjMu01Ld9RwbDwG_Cc